Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn trending ang 25th b-day

0 465

NI: VINIA VIVAR

Nag-trending si Kathryn Bernardo kahapon (March 26) sa Twitter sa pagdiriwang ng kanyang ika-25 na kaarawan. Gamit ang hashtags na #HAPPY BIRTHDAY QUEEN at #KathrynXXV, talaga namang pinagliyab ng kanyang mga fans and supporters ang nasabing microblogging site dahil sa rami ng pagbati.

Maging ang mga kapwa celebrities ay nag-post din ng kani-kanilang pagbati sa girlfriend ni Daniel Padilla.

“Your beautiful soul and heart of gold are just a few of my most fave things about you! I can’t wait to eat ng nakakamay at magchikahan about everything and anything under the sun with you! Til then, please celebrate with your fam! And we’ll make sure we too have a celebration when everything is safe na again. Love you!!! Always here for you!” ang mahabang birthday greeting ni Dimples Romana.

Matatandaang kasama ni Kathryn si Dimples sa remake ng Mara Clara kung saan nagsimula ang kasikatan ng una along with Julia Montes.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Kathryn ng kanyang birthday photos in black and white with a short caption of “25.”

Nagpaabot din ng kanilang pagbati kay Kathryn sina Liza Soberano, Marian Rivera, Sarah Lahbati, Ruffa Gutierrez, Erich Gonzalez, Aiko Melendez, Ria Atayde, Jolina Magdangal, Aljon Lucas, Loisa Andallo, Darren Espanto, Camina Villarroel, Melai Cantiveros, Ina Raymundo, Bea Alonzo at marami pang iba.

Bumati rin ang future mother-in-law ng aktres na si Karla Estrada. She simply wrote, Happy birthday kath!!!

Ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo ay nag-iwan din ng birthday message para sa anak.

“Happy birthday anak! As parent, im very proud you have turned out to be such an intelligent and caring person,” ang pagbati ni Mommy Min.

Leave A Reply

Your email address will not be published.