Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn trending ang kaseksihan

0 267

Hindi na nagtaka ang diva that you love kung bakit number one trending topic si Kathryn Bernardo.

Mga ning, wag niyo na ambisyunin dahil tiyak niya hindi niyo kayang i-pull off ang kanyang pictorial pasabog na parang homage sa street fashion of the roller skating bagets of the 80s.

Ang ganda-ganda ni Queen Kath sa pictorial. Panalo ang white midrib paired with red shorter than short shorts.

Sa close up photo, panalo ang playful eye shadows at ang pribilehiyo kong magmaganda look na mababasa sa kanyang mga mata, ay ikaw na talaga ang reyna.

Widely appreciated naman ang kanyang super model moment dahil almost 500k likes na ito at malamang baka triple na ang bilang nito pag lumabas na ang pitak na ito.

Super clap sa iyong photo shoot Kathryn Bernardo. Ganiyan dapat i-welcome ang bagong taon, pangabog!

Maine walang takot mag-bikini

SM food to go Banner Ad

Gandang-ganda ba sa sarili niya si Philippine Sweetheart Maine Mendoza?

Kasi naman, ang hirap arukin kung bakit wala siyang nerbiyos at takot sa pagsusuot ng mga bikini eh wala namang siyang korte, sa true lang tayo ha.

Oo. Hindi makakaila na beach appropriate naman ang kanyang mga saplot. Pwede bang kay Arjo Atayde na lang niya i-display ang kanyang figure na siguarado naman tayong minamahal nito.

Ang diva that you love kasi mas appreciated ang mga babaing curvy at voluptuous at mas aesthetically pleasing sa mata to see them donning bikinis.

It will take some time, or maybe even another lifetime para ma-appreciate ko ang waifish frame ni Mendoza.

Of course para sa kanyang mga panatiko, perfection ang Philippine Sweetheart pag ibinabalandra niya ang kanyang relatively nubile body kasi nga talaga namang matataas ang digits of views nito.

Hindi naman porke bet na bet nila dapat bet na bet ko rin, di ba? Taste is subjective. Hindi ba naman?

Naka-move on na ang diva that you lve sa impression kong parang lollipop ang pigura niya. Yayamanin naman ang kanyang beach garment kaya sige na nga, flaunt pa more ning. Katawan mo naman iyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.