Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn umuulit ng sapatos

0 578

Maraming humanga sa vlog ni Kathryn Bernardo. Pwede raw palang maging host ito dahil articulate siya sa Ingles.

Sa episode ng kanyang vlog kung ay pinakita niya ang kanyang shoe collection. Binida niya ang isang mamahaling sapatos na nabili niya noong 18 years old pa lamang siya at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin niya. Sabi ng netizen ay umuulit rin daw pala sa pagsusuot ng sapatos ang sikat na aktres. Hindi lamang ng ilang beses ha, sa maraming beses.

SethDrea, KyCine hinigpitan sa taping

Kahit nagkakahigpitan na dahil sa pagtaas na naman ng kaso ng Covid-19, tuloy pa rin sa pagti-taping ang The Gold Squad. Ito’y binubuo nina Seth Fidelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echarri. Ang serye nilang Huwag Kang Mangamba ay nag-ere na kasi nitong Lunes kaya hindi pwedeng tumigil sa taping.

Pero mas dumoble raw ang higpit sa set

Nagpapasalamat nga raw si Seth na sa gitna ng pandemya ay may trabaho pa rin. Hindi naman kasi niya tinatago ang pagiging breadwinner niya sa pamilya.

ABS-CBN hirap pa rin kahit sanib-puwersa sa TV5

Dahil sa pagkansela ng live at taping ng It’s Showtime, marami na naman ang nalungkot dahil sa mawawalan ng trabaho ng ilang araw.

SM food to go Banner Ad

Hanggang ngayon hindi pa kinukumpirma ang isang cast na umano’y nagpositibo. Walang pag-amin sa management kung true nga ito .

Anyway, hindi lang pandemya ang naging problema ng Kapamilya network. Isa pa talaga sa nagpapahirap ay ang kawalan ng prangkisa. Kahit kasi nag-merge na sila sa TV 5 for selected shows, iba pa rin ang kita ng may sariling network. Sabi nga ng source namin tapyas to the max talaga ang sweldong natatanggap nila.

Rico, Maris mukhang mag-ama

Pinagtanggol ng mga netizen si Rico Blanco sa mga namba-bash sa kaniya . Nagsimula ang bira sa kanya nang lumabas ang isyu sa relasyon diumano nila ng young actress na si Maris Racal.

May mga nagsasabi kasi na pwede ng maging mag-ama ang dalawa.

Makabagong Vic Sotto at Pauleen Luna nga raw sia dahil sa laki ng age gap nila. 23 years old lamang ang aktres at 48 years old naman ang dating singer ng Rivermaya.

Mas okay nga raw si Rico kay Maris dahil kita sa mga mata nito na mas siya pa ang in love umano kay Rico. Sa duet nga raw nila sa kantang Brighter Than Sunshine sa YT, ay para bang ang aktres ay gusto nang halikan si Rico sa ending ng kanilang song .

Well, from her relationship to Inigo Pascual, baka naman kay Rico na naramdaman ni Maris ang tunay na pagmamahal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.