Abante Tonite Interactive

Kathryn wawasakin ang sariling rekord

779

Base sa trailer ng upcoming movie ng Star Cinema, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtatambalan nin Kathryn Bernardo at Alden Richards, nangangamoy box-office hit ito. Nakatakda itong ipalabas sa darating na July 31 sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Ang trailer ng pelikula ay agad nag-trending nang unang ipalabas online.
Matapos gumawa ng kasaysayan sina Kathryn at Daniel Padilla sa kanilang pelikulang “The Hows of Us” marami ang nagsasabi na mahirap nang maabot ang record na ito ng isang local film. Kaya nagsisilbi itong malaking challenge hindi lamang para kay Kathryn kundi maging sa direktor na si Direk Cathy na kumita sa takilya ng mahigit P900-M.
Masira kaya ni Kathryn ang sarili niyang record (which she shares with Daniel) sa kanyang upcoming movie, this time with Alden, ang “Hello, Love, Goodbye”?
Samantala, inamin ni Direk Cathy na bukod kay John Lloyd Cruz na paborito niyang aktor, si Kathryn umano ang kanyang favorite actress.
Kung papayag lamang si John Lloyd, maganda siguro kung magtatambal sila ni Kathryn sa isang pelikula na si Direk Cathy mismo ang direktor.
Although nasa direksyon na ng Star Cinema na bigyan ng mga solo project sina Kathryn at Daniel para na rin sa kanilang growth as individual actors, hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi na mu-ling magtatambal sa pelikula ang magka-love team at magkasintahan sa tunay na buhay.
Samantala, kinakitaan ng magandang chemistry ang unang tambalan nina Kathryn at Alden kaya hindi imposibleng muling magtambal ang dalawa balang araw.

Pops-Martin  ‘nagkabalikan’

Ngayong naipalabas na ang first attempt ng Concert Queen na si Pops Fernandez bilang movie producer (“Feelennial”), haharapin naman ng ex-wife ng Concert King na si Martin Nievera ang kanilang reunion concert tour sa Amerika at Canada na pinamatagang “Two-gether Again 2019.”

Magsisimula ito sa darating na August 10, 2019 na gaganapin sa Palace Theatre ng Los Angeles, California. Ito’y susundan on August 17 sa Chumash Casino Resort in Sta. Ynez, California kasunod ang Thunder Valley Resort Casino – Outdoor Amphitheater sa Lincoln, California, August 31 sa California Center for the Arts sa Escondido, California, on September 6 sa Copernicus Center in Chicago, USA, September 8 sa Morongo Casino Resort in Cabazon, California and the rest of the month ng September ay sa iba’t ibang lugar naman ng Canada.
Magiging special guest ng dating mag-asawa sa kanilang US and Canada concert tour ang kanilang panganay na anak na si Robin Nievera na malamang isama sa biyahe ang kanyang girlfriend na si Zia Quizon.
Matagal-tagal ding panahong hindi nagsama sa stage ang former couple kaya tuwang-tuwa ang kanilang supporters and fans sa Amerika at Canada.
Muli nilang mapapapanood ang concert stage love team kahit hindi na sila mag-asawa.  Umaasa rin ang kanilang mga tagahanga sa Pilipinas na sana’y muling magsama ang dalawa sa isang major concert sa Pilipinas either sa Big Dome (Araneta Coliseum) o sa MOA Arena.
Samantala, kahit matagal nang hiwalay sina Pops at Martin bilang mag-asawa, napanatili nila ang kanilang pagiging the best of friends. Ito’y alang-alang sa kanilang dalawang grown up sons na sina Robin at Ram. Close din si Pops sa isa pang anak ni Martin sa ex-girlfriend nitong si Katrina Ojeda na si Santino na tinedyer na ngayon. Tanggap na rin ni Pops at iba’t ibang naging girlfriend ng kanyang dating mister including his present na hindi taga-showbiz. Welcome pa rin si Martin sa mga special occasions ng kanyang ex-wife. Naroon din si Martin nang mamayapa ang younger brother ni Pops na si Edwin Fernandez.
Arron, Martin pasok  sa ‘Ang Probinsyano’

Kapag may namatay na mga character sa top-rating at  longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” asahan na may mga bagong character na susulpot.

Ang mga bagong pasok sa primetime TV series na pinagbibidahan ni Coco Martin na tumatayong director ng serye ay sina Arron Villaflor, Martin Escudero, Josef Elizalde at Kaiser Boado. Gaganap na bagong miyembro ng bagong tayong task force na pangungunahan mismo ng character ni Aaron bilang si Police Captain Amir Marquez.
Come September ay mag-aapat na taon na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na mukhang wala pang planong ipahinga sa ere.
***
Abangan ang aming “Celebrity Talk” online show sa Abante Tonite Facebook page and YouTube Channel every Monday, 12 noon to 1 PM simula sa July 15.