Abante Tonite Interactive

Katiting na bawas presyo sa diesel

0 183

Nagpatupad ng katiting na bawas presyo sa diesel ang isang kompanya ng langis kahapon ng tanghali.

Pinangunahan ng Phoenix Petroluem Philippines ang pagtapyas ng P0.40 kada litro sa diesel na epek­tibo ng alas-12:00 nang tanghali kahapon habang wala pang paggalaw sa presyo ng gasoline at kerosene.

Wala pang ibang kompanya ng mga produktong petrolyo ang nag-anunsyo ng panibagong rollback sa kanilang mga produktong langis.

Inaasahan na sa susunod na araw ay magpapatupad na rin ng bawas presyo ang ilang kompanya ng langis sa produktong diesel.

Ang panibagong paggalaw sa presyo ng petrolyo ay bunsod pa rin ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado. (Armida Rico)