Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katoma inararo ng saksak

0 73

Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang magtalo at magkapikunan habang tumatagay sa Tondo, Maynila kamakalawa nang madaling-araw.

Hindi na nailigtas ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Michael John Gonzales, 38-anyos at residente ng Panday Pira St., Tondo, dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ng mga operatiba ng Manila Police District-Station 1 ang suspek na si Brian Alcoriza, 29-anyos at nakatira rin sa Tondo.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ng MPD Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-2:20 nang madaling-araw sa panulukan ng Varona at Panday Pira sa Tondo.

Bago pa umano nangyari ang krimen ay nakita na masayang nag-iinuman ang suspek at biktima sa naturang lugar subalit bigla na lamang nagkapikunan sa hindi pa batid na dahilan at nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Hanggang sa bumunot umano ng patalim ang suspek sa inundayan ng saksak ang biktima saka mabilis na tumakas subalit nasakote rin kalaunan.

Sinampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.