Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katoma kinatay, pinulutan ng magtiyo

0 83

Isang magsasaka ang dinakip ng operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang madiin sa kasong pagpatay sa kainuman kung saan humiwa pa ng laman ng binti ng biktima saka iprinito at gawing pulutan kasama ang kanyang tiyuhin sa Barangay Igulot, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Marlon Cruz, taga-Barangay Cutcut, Guiginto. Nagtago ito sa Barangay Igulot, Bocaue at nadakip ng Bulacan CIDG matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong murder. Patuloy namang nakakalaya ang kasabwat nitong tiyuhin na si Ely Cruz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen noong Oktubre 2020 matapos magtalo sina Marlon at biktimang nakilala sa pangalang Roger, construction worker, habang nag-iinuman dahil sa koneksyon ng kuryente. Napatay sa saksak ng magtiyuhing Marlon at Ely ang biktima.

Nang matsugi ang biktima, humiwa ng laman sa gawing binti ang suspek, iprinito at pinulutan.

Nakakulong na ngayon si Marlon at inaasahang madadakip din ang tiyuhin nito sa sandaling lumabas ang warrant of arrest nito. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.