Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katoma pinagselosan, inararo ng saksak

0 87

Malubhang nasugatan ang isang 32-anyos na lalaki makaraang pagsa­saksakin ng kainuman na naghinalang nililigawan ng biktima ang kanyang nobya sa Brgy. Culiat, Quezon City kamakalawa nang hatinggabi.

Nakilala ang biktima na si Gilbert Mabida, may-asawa, graphic installer, at nakatira sa na­sabing barangay.

Agad naman naaresto ng mga tanod ang suspek na kinilalang si Aldrin Gatchalian, 32, binata, at taga-Brgy. Culiat din.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Sta­tion 14, bandang alas-12:10 nang hatinggabi ng Linggo nangyari ang insi­dente sa Emerald Lane, Morning Star Drive sa Brgy. Culiat.

Sa imbestigasyon ni Corporal Juderick Latao, nag-iinuman sina Mabida at Gatchalian kasama ang ilang kaibigan subalit nang magkalasingan ay inakusahan umano ng suspek ang biktima na nililigawan nito ang kan­yang nobya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umawat naman ang mga kainuman nila hang­gang sa umuwi na ng ba­hay ang suspek at naiwan ang biktima kasama ang mga kaibigan.

Pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na armado na ng kutsilyo at ilang ulit na sinaksak ang biktima sa likuran.

Isinugod sa East Av­enue Medical Center si Mabida habang inaresto naman si Gatchalian ng mga barangay tanod.

Nakumpiska mula sa suspek ang kutsilyo na nasa pitong pulgada ang haba at ginamit sa tang­kang pagpatay sa bikti­ma. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.