Abante Tonite Interactive

Katotohanan pinagtatakpan ng PAO chief sa ipinagdamot na tissue samples

By
1,874

Binira ni Albay Rep. Edcel Lagman si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida ­Acosta sa pagdadamot ng tissue samples.

Ayon kay Lagman, ang sample tissues ng mga nabakunahan ng Dengva­xia na nasa kostudiya ni Acosta ay maglalantad sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

“This is the reason why Acosta adamantly denied the UP-PGH Dengvaxia team of experts’ access to said tissue samples. Acosta wants the UP-PGH team to exhume anew the bodies of the said Dengvaxia vaccines whom Acosta and her forensic physician Dr. Erwin Erfe publicly claim died from the Dengvaxia inoculation,” pahayag ni Lagman.

Ang “hysterics” umano nina Acosta at Erfe ay nakakaimpluwensiya sa mga magulang para hindi na paturukan ang mga anak sa anumang vaccination program ng gobyerno.

Ultimo ang deworming o pagpupurga ay kinatatakutan na, ayon kay Lagman.

Bunsod nito, iginiit ng solon na dapat nang panghimasukan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang usapin.

“President Rodrigo Duterte must direct Acosta to cooperate with the UP-PGH team of experts and stop her pseudo forensic investigations,” giit ni Lagman. (Aries Cano)