Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katrabaho tinarakan ng kutsilyo sa leeg

0 18

Tuluyan nang hindi nagising sa kanyang pagtulog ang isang chicken dealer matapos tarakan ng kutsilyo sa leeg ng kanyang katrabaho habang nagpapahinga sa duyan, sa Magallanes, Cavite, Miyerkoles ng hapon.

Naiwan pang nakabaon ang kutsilyo sa leeg habang nasa loob ng punerarya ang biktimang si Rico Rosette, nasa hustong gulang, habang kinilala naman ang suspek na si Daniel Cecista.

Pareho silang nagtatrabaho bilang mga chicken dealer sa isang kompanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Mar Jay Bencito ng Magallanes Police Station, dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon ay nagpapahinga sa duyan ang biktima at ilang katrabaho nito habang naghihintay mag-deliver nang lapitan ito ng suspek at tarakan ng kutsilyo sa leeg.

“Dati nang may alitan ang dalawa. Rumesbak lang ang suspek. Sinaksak ni Rosette si Cecsita dati kaya nang natiyempuhan ng huli ang una habang natutulog kaya nito sinaksak,” ayon kay Bencito, base sa nakalap nitong impormasyon mula sa mga katrabaho ng dalawa.

Tumakas naman ang suspek sakay ng isang Isuzu Elf na may plakang NAG 9487 kaya pinaghahanap pa ito ng pulisya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.