Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katrina ‘bugbog’ kay John Lloyd

0 223

ROMMEL PLACENTE: Pinagpistahan ang mga larawan ni Katrina Halili na kasama sina John Lloyd Cruz at Elias. Bumati pa siya ng belated happy birthday sa kanyang Instagram account.

Sari-saring reaksyon ang nababasa na galing sa mga netizen.Nili-link na sila.May mga nagsasabi na bagay sila. Meron ding hindi boto sa dalawa.

Pero,kung totoo mang nagkakagustuhan na sila ay hayaan na lang .Wala namang problema dahil pareho silang single. At hindi rin naman dapat kuwestyunin kung lesser star si Katrina at big star si Lloydie.

Kung natipuhan ni JLC si Kat eh wala tayong magagawa.And it’s about time naman na magkaroon na rin sila ng bagong lovelife.

MILDRED BACUD: Advance naman masyadong mag -isip ang mga netizen. Malamang na malaki ang chance na magkatrabaho naman talaga ang dalawa lalo’t ang aktor ay nasa bakuran na ng GMA. Kung maka-lesser star naman ang iba kay Katrina. Galing man sa malaking iskandalo ang aktres no’n ,matagal na niyang nabawi ito. Matapos magkaanak kay Kris Lawrence ay hindi na siya nagkaroon pa ng karelasyon.

Posible naman na magkagustuhan sila ni Lloydie kasi pareho silang single.

RODEL FERNANDO: Actually, hindi ko ini-expect na may communication pala sina Katrina at John Lloyd. Hindi naman ako nagulat pero siyempre mapapaisip ka nang bigla at bakit naging malapit sila sa isa’t-isa? O, baka naman dati pa ay madalas na silang magtawagan o magka-text? Posible naman ‘yun dahil maliit lang naman ang showbiz.

Anyway, expected na ang magiging lait sa part ni Katrina lalo na ‘yung solid JLC. Sasabihan na agad na hindi sila bagay at dapat ay sa ibang girl mapunta ang aktor.

Sa huli naming panayam sa seksing aktres ay sinabi niya na wala muna siyang panahon sa mga lalaki. Pero mukhang kokontrahin niya ang sinabi niyang ito. Ngayong may lumalabas na tsismis sa kanila ni John Lloyd ay baka umibig siyang muli.Panahon na rin para magka-lovelife siya.

ROLDAN CASTRO: Korek ka-Cuatros Rodel. Siguradong ‘bugbog’ si Katrina ‘pag patuloy siyang mali-link kay Lloydie.

Pero, keber ba kung saan sila liligaya. Ang importante ay wala silang sinasagasaan at tinatapakang tao.

Malay naman natin baka click sina John Lloyd at Katrina. Baka swak ang ugali nila sa isa’t isa.

At saka natuto na sila sa buhay. Marami na silang pinagdaanang relasyon kaya keri na nilang patatagin kung sakaling magkagustuhan sila.

Hindi rin tayo sure kung noon pa ay magbarkada na sila at magkaibigan. Tandaan dating girlfriend ni Joross Gamboa si Katrina at matalik din niyang kaibigan si Lloydie. Baka dati pa ay malapit na sila sa isa’t isa.
Di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.