Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katrina ‘di nagpasindak kay Darna

0 1,004

NI: ARCHIE LIAO

Naging prangka si Katrina Halili nang tarayan nito ang isang netizen na hinahanapan siya ng pagsuporta sa ABS-CBN.

Sey pa ng netizen, baka raw kasi magalit si “Darna” kay Katrina na ang tinutukoy ay si Angel Locsin na gumanap sa iconic Pinay superheroine noong 2004.

“Hi katring wala kaba pagsuporta sa kapamilya, makiisa ka naman sa pinagdaraanan nila, magagalit si darna sayo,” ayon kay @jhearnel.

“Kailangan ba magpost talaga, pwede naman isama sila sa prayers ko. Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sayo,” resbak ni Katrina.

Matatandaang gumanap si Katrina bilang “Black Darna” sa nasabing Kapuso hit series kung saan naging kontrabida siya ni Angel.

Si Locsin rin ang isa sa mga aktibong boses sa ginanap na rally kamakailan na dinaluhan ng mga supporter ng ABS-CBN.

Nakiisa ito sa pagtitipon at matapang na binatikos ang mga kapwa-artistang hindi umano nagpapakita ng suporta sa kompanya at mga empleyado nito.

Samantala, agad naman bumuwelta ang followers at fans ni Katrina para ipagtanggol ang aktres.

“Magagalit si Darna? Ano ito sindakan, sapilitan? Paki alam ba nila kay darna, lalo na yung mga ayaw at gustong tahimik lang, tama naman si Ms. Katrina na puwedeng isama sila sa prayers. Umayos nga kayo, kaya kumakalat ang covid dahil sa mga gaya niyong pasaway. #RallyPaMore,” ayon sa isang netizen.

“Hindi kasi lahat need ipost hehe proud of you bhe,” sabi pa ng isa.

“Tama! May ibat-ibang pamamaraan. Salamat sa pakikiramay beh!!”giit naman ng isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.