Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katrina dusa sa pananakit ng katawan

0 149

Nagpa-check up na sa ospital si Katrina Halili dahil sa dusa at matinding pananakit ng kanyang katawan.

Sa larawan na ibinahagi niya sa Instagram, makikita ang pagsailalim niya sa Magnetic Resonance Imaging o MRI.

“Salamat sa nag aalaga sakin,” caption niya.

Kabilang sa nag-message sa kanya ng “get well soon” ang ilang nakasama sa “StarStruck” na sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Dion Ignacio.

Ayon sa ulat, kumonsulta si Katrina sa mga neuro expert upang malaman ang dahilan ng matindi niyang body pains.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.