Abante Tonite Interactive

Katrina ibinuking ang kaisnabang aktres

By
5,716

Hindi pinangalanan ni Katrina Halili kung sino ang bida at kontrabida sa isang serye na hindi na nagbatian hanggang matapos ang serye. Talagang totohanan ang isnaban.

“Na nakalipat na,” sey pa ni Katrina sabay tawa.

Hindi kami sure kung si Katrina mismo ang katarayan ng akres na nag-ober da bakod o kasamahan lang niya sa Kapuso network.

Pero idiniin ni Kat na maayos ang samahan nila ni Megan Young sa ‘The Stepdaughters’. Kahit panay ang tarayan at sakitan nila sa mga eksena ay hindi naman nangyayari sa tunay na buhay.

Baby nga raw ang tawagan nila.

Ibinuking din ni Katrina na hindi seryosong tao si Megan. Makulit, kalog din daw ito sa set.

Anyway, consistent sa pamamayagpag ang ‘The Stepdaughters’ dahil mas powerful ang mga eksena sa pagitan nina Megan Young at Katrina Halili. Mula Lunes hanggang Biyernes, ito ang tinututukan ng mga viewer. Patuloy na tutukan ang ‘The Stepdaughters’ sa GMA Afternoon Prime!