Abante Tonite Interactive

Katrina inagawan ni Aiko?

0 461

Pa-girl si Katrina Halili nang sabihin niya sa aming after 7 years ay nagsimula na ulit siyang makipag-date this year.

Actually, ayaw niyang tawaging date ‘yon, basta lumalabas daw siya with other people kasama ng ilang friends niya.

Mga apat o lima na raw ang naka-date niya at meron doon ang naulit, pero gusto raw niya ay friends lang muna at walang expectations.

Ayaw niya raw ng seryosong date, gusto niya ay barkada lang at palaging grupo, hindi ‘yung silang dalawa lang nu’ng lalaki. Kung may mabuo ay okey lang.

“Siyempre, gusto mo ‘yung magiging partner mo na, hindi ‘yung playtime-playtime. Naghahanap ka ng seryosong magiging partner mo,” bulalas ng 33-anyos na Kapuso actress.

Siyempre, ang gusto raw ni Kat ay ‘yung lalaking kasundo niya at saka ‘yung kaya siyang buhayin. Baka raw mag-travel sila nito, tapos ay KKB o siya pa ang manlilibre. Kung ganu’n daw ay huwag na lang.

Nire-recommend ng friends niya ang single guys na nakaka-date ni Kat dahil naaawa raw sa kanya ang mga kaibigan niya sa tagal na niyang loveless. Gusto rin naman daw niyang mainlab, pero wala pa talaga.

Magsi-7 years old na next month si Katie, ang daughter ni Katrina with Kris Lawrence. Okey naman sila ni Kris at malayang nakaka-bonding nito ang anak nila. Tanggap nila ni Kris na hanggang friends na lang sila.

Samantala, for a change ay hindi kontrabida si Katrina sa bago niyang Kapuso serye dahil siya ang mabait na surrogate mother ng tatlong bidang babae sa afternoon soap na “Prima Donnas”.

Nu’ng una, ang alam ni Kat ay sa kanya ang role ng kontrabidang si Kendra, kaya nagpa­gupit daw siya ng hair at nagpakulay ng blonde.

Nagulat na lang daw siya nu’ng sabihin sa kanya na si Aiko Melendez na ang gaganap bilang Kendra.

So, ibig sabihin ay i­nagawan siya ng role ng nagbabalik-GMA na si Aiko?
“Hindi, grabe ka naman. Nagsabi din kasi ako sa GMA na bigyan ako ng ibang role to explore. Okey lang, happy rin naman ko para pagkatiwalaan ako ng role na mabait, ‘di ba?” katwiran ni Katrina, na excited na raw na api-apihin siya at sampal-sampalin ni Aiko.

Sa Lunes na, August 19, ang simula ng “Prima Donnas”.

Gold Squad babanggain ng Prima Donnas

Handang-handa na ang tatlong young lead stars ng GMA na sina Jillian Ward (14 years old), Sofia Pablo (13 years old) at Althea Ablan (14 years old) na labanan ang malakas nilang katapat sa afternoon block.

Sina Jillian, Sofia at Althea ang bibida sa “Prima Donnas” na itatapat ng Kapuso network sa “Kadenang Ginto” na tampok ang bagets stars ng Kapamilya network na kung tawagin ay Gold Squad.

Ang dating child star na si Jillian (gaganap bilang panganay sa tatlong magkakapatid na si Donna Marie) ay nagbida na sa maraming Kapuso shows tulad ng “Trudis Liit”, “Daldalita”, “Sa Piling ni Nanay”, atbp.

Aware si Jillian na malakas ang tatapatan nila at maraming nag-e-enjoy dito, pero may alas din daw sila sa “Prima Donnas” dahil mahuhusay ang mga artistang kasama nila gaya nina Aiko Melendez, Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, atbp. at binigay daw nilang lahat ang best nila rito.

Naniniwala ang dalagita nang si Jillian na kaya nilang lumaban sa karibal na programa, pero si God na raw ang bahala rito.

Natatawang inamin sa amin ni Jillian na sa tindi ng pressure ay napapanaginipan na niya ‘yung mga artista sa “Kadenang Ginto”!

Si Sofia (gaganap bilang bunso na si Donna Lyn) ay huling napanood sa “Onanay,” “Sherlock Jr.”, “Destined to Be Yours”, “Oh My Mama”, at “Because of You”.

Naging batang Barbie Forteza rin siya sa 2014 Cinemalaya film na “Mariquina”.

Alam ni Sofia na matindi ang kalaban nila, kaya ang dasal daw nila ay sana panoorin din ng maraming tao ang serye nila, magustuhan ang kuwentong ikukuwento nila at maramdaman ang puso nila sa istorya nito.

Si Althea (gaganap bilang pangalawa sa magkakapatid na si Donna Belle) ay huling napanood sa “Kara Mia” bilang sister nina Kara at Mia. Naging batang Alena rin siya sa “Encantadia” at young Lawiswis sa “Mulawin vs. Ravena.”

Aminado si Althea na sinusubaybayan niya ang “Kaldenang Ginto”, pero ibang-iba raw dito ang teleserye nila.

Buo ang loob ni Althea sa sagot niya sa amin na kaya nilang labanan ang kanilang kompetisyon.

4:25 PM ang timeslot ng “Prima Donnas” sa Lunes sa GMA Afternoon Prime.