Abante Tonite Interactive

Katrina kalaro sa taguan

0 488

Malakas ang dating ng beauty queen na si Katrina Llegado. Makikita ito sa isa sa kanyang Instagram post habang nasa magandang beach ng Boracay.

Suot ang white two piece bikini, agaw-pansin ang kariktan dito ni Kat (nickname ni Katrina) na tila ba nakikipaglaro ng taguan. Bukod sa kanyang ganda at kaseksihan, isa sa maipagmamalaki pa ng dalaga ang kanyang pagiging long-legged na malakas na bentahe ng mga beauty queen.

Si Katrina ang itinanghal na Reina Hispanoamericana Filipinas 2019 last September. Siya ay nagtapos na cum laude sa De La Salle University ng degree sa Finance. Kabilang sa hilig gawin ni Kat ang magpunta sa beach at mag-hiking.

Mahirap magpigil ang mga kalalakihan kung makikita ang mga sexy IG post ni Kat. Iba kasi ang alindog niya, na kahit saang anggulo bistahan ay pak na pak talaga.

Si Kat ang tipo ng babae na kapag nakasalubong ng isang kalahi ni Adan ay tiyak na mapapalingon, at muling susundan ng tingin ang kanyang kariktan.

Sa taglay niyang kaseksihan, hindi nakapagtataka kung maging laman ng sexual fantasy ng mga barako ang dalaga. (Nonie Nicasio)