Abante Tonite Interactive

Katrina litaw ang alindog sa puting kamison

By
0 835

tonite-pak-allan-dionesMay mga eksenang puting kamison lang ang suot ni Katrina Halili sa indie film na ‘Mga Anak ng Kamote’.

In fairness ay ang sexy at litaw na litaw ang alindog ni Kat sa suot niyang manipis na kamison, na kung hindi mo alam na entry ito sa TOFARM filmfest ay puwede mong isipin na isa itong sexy movie.

Inusisa namin si Kat kung may suot siyang bra sa mga pakamison niya na ‘yon at ang game na sagot niya ay gusto nga raw sana niyang wala, kaya lang ay pinagsuot siya ng bra ng direktor nila.

Abante Hiring – IT dep

May mga eksena ring nasa batis siya, na nang tanungin namin si Katrina kung puting kamison lang din ba ang suot niya, ang sagot niya ay, “Wala! Wala akong suot!”

Obviously ay ineeklay niya lang kami dahil hindi naman bold flick ang ‘Mga Anak ng Kamote’, pero kaabang-abang din kung may love scene siya rito kina Alex Medina, Carl Guevara at Kiko Matos.

Bilang tahimik at mahinhing asawa na ibinuro ni Alex sa bundok, feel na feel ni Kat na deglamorized siya rito, pinaitim, hindi nag-aayos ng buhok at wala siyang ginawa kundi magluto at maghain ng kamote.

Nang biglang hindi na umuwi ang kanyang asawa, kinailangan niyang bumaba ng bundok at hanapin sa siyudad ang mister niya. At doon nanumbalik ang alaala ng kanyang karakter na si Iyong.

Actually, parang naging pan-relax daw ito ni Katrina nang gawin niya ang ‘Mga Anak ng Kamote’.

Feeling niya ay ito ang pahinga niya mula sa karakter niya sa afternoon soap na ‘My Stepdaughters’ na palagi siyang galit, nagtataray, sumisigaw at kung anu-anong kamalditahan ang ginagawa niya.

So, kung 9.9% daw ang energy niya sa Kapuso serye, sa pelikula ay -5% ang akting na ibinigay niya dahil quiet lang siya at very minimal ang dialogue.

Excited kaming mapanood ang ‘Mga Anak ng Kamote’ dahil ang direktor nito ay si Carlo Enciso Catu, nagdirek ng ‘Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon’ na nagwaging Best Picture sa Cinemalaya this year.

Produced ni Dr. Milagros O. How ng Universal Harvester Inc., nagsimulang mapanood kahapon ang anim na entries sa 3rd TOFARM Film Festival in selected cinemas nationwide.

Monsour-Agot magkalaban sa Senado

Sa pagkakakilala ni Monsour del Rosario sa ex-girlfriend niyang si Agot Isidro ay hindi ito papasok sa politika dahil ayaw nito ng politics.

May bali-balita kasing hinihikayat na tumakbo si Agot sa pagka-senador sa darating na eleksyon.
Ayon sa nagbabalik na actor-martial artist na si Monsour, nu’ng sila pa ni Agot 20 years ago ay alam niyang wala itong interes sa politika.

Friends daw sila nito sa Facebook pero hindi sila nag-uusap at hindi sila nagkikita. Aware din siya sa personal opinions ni Agot about political issues at nirerespeto niya raw ‘yon.

Kinantiyawan namin si Monsour na posible pala silang maging magkalaban ni Agot sa pagtakbo sa Senado next year ‘pag nagkataon.

Nasabi kasi sa amin ni Mon na tila kino-consider siya ng Malacañang na isama sa listahan for the Se­nate lineup.
Wala raw ito sa isip niya dahil nakakaisang term pa lang siya bilang Congressman ng Makati, pero kung hihilingin daw siyang tumakbo ng Presidente ay hindi siya tatanggi.

Okey lang kay Monsour kung magiging katunggali niya sa Senate race ang kanyang ex-girlfriend. If ever ay nasa opposing team pa sila dahil sa PDP-Laban siya at sa LP naman si Agot.

Ang isa pa niyang ex na si Dawn Zulueta ay muntik nang makasama ni Monsour sa ‘Ang Probinsyano’ kung natuloy ang guesting niya sa serye, kaya lang ay tinanggihan niya dahil hindi niya gusto ‘yung role.

‘Yung dalawang anak daw ni Dawn ay estudyante niya dati sa Taekwondo nu’ng maliliit pa ang mga ito. Wala raw problema si Mon sa mga ex niya, friends sila.