Abante Tonite Interactive

Katrina mananayaw sa club bago nag-artista

By
0 1,318

Hindi itinanggi ng sexy star na si Katrina Paula na nagsasayaw siya noon sa isang club bago naging artista.

Aniya: “Doon nila ako nadiskubre. Tamang-tama daw kasi sa akin ang role na hinahanap nila.”

Ngayon hindi na nagso-showbiz si Kat. Pero, nami-miss pa rin daw niya ang humarap sa kamera. Nang makatsikahan si Kat ng “Tambayan ng Tsika Tonite”, online show ng Abante Tonite, ang dami niyang kuwento hinggil sa kanyang personal na buhay.

Aniya, ang pinagkakaabalahan daw niya ngayon ay ang magpabalik-balik sa Japan. Hindi naman daw siya nagwo-work kundi may something business na inaasikaso.

Isa si Sabrina M na malapit sa puso ni ­Katrina. Nakulong si Sab dahil sa droga, pero nakalabas na ngayon. Isa si Kat na ­tumulong sa kapwa-sexy star.

Sambit ni Kat sa TnT Tonite: “Hindi naman talaga ako ang tumulong kay Sab. Nu’ng time na ‘yun kasi na-interbyu ako ng ‘I Juander’. Gusto ko talaga siyang tulungan. ‘Yun, du’n nagsimula. Nagpapasalamat ako dahil may mga taong tumulong talaga sa kanya.”

Ang advice ni Kat sa kaibigan, sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng kaibigan. “Wala nang sisihan kasi nangyari na, e. Masaya na siya dahil kasama na niya muli ang pamilya at mga anak. Sa totoo nga parang ayaw muna niyang mag-showbiz… parang ganu’n at nirerespeto ko kung ano ang gusto niya.”

Umaming tumikim ng droga

“Hindi naman ako nagmamalinis. Siyempre, hindi ma­lakas ang loob ko na magsasayaw-sayaw sa club at ipakita ang kuyukot ko… feeling ko magandang-maganda ang katawan ko. Kaya lang ang sa akin, ‘wag magpaalipin sa bis­yo. Sabi nga ng tatay ko ‘pagka naglasing ka… magtira ng pang-uwi’. Kailangan ‘wag ka paalipin sa bisyo dahil kung siya ang magdadala sa atin, walang mangyayari… kung tayo ang magdadala, makokontrol natin.”

Gusto ring magbalik-showbiz ni Kat. Kung meron daw kukuha, masaya siya, pero kung wala ay okey lang daw.

Wala rin sa ­hinagap ni Katrina na masasali siya sa isang beauty pageant, ang Mrs. Queen & VOAA Universe.

Pagmamalaki niya na isa siya sa winner. 42 candidates daw sila. “Third runner-up nga ako e.”

Ang question kung bakit nanalo si Katrina ay tungkol sa ‘Japayuki raw ba ang tawag kapag sa club ng bansang Hapon nagtatrabaho’.

Aniya: “‘Pag nasa Japan ka tingin talaga ng mga tao ay Japayuki. Lalo ‘pag sa club ka nagwo-work. Pero hindi totoo ‘yun. Sobrang gentleman ng mga Hapon. ‘Pag nakakabangga mo nga sila, hihingi agad ng sorry… ganu’n kababait ang mga Hapon.”

Sa pinakitang picture naman ng ama ng bunsong anak ni Katrina na si Raymond Dominguez, ayon sa kanya ay wala na raw silang relasyon ng nabanggit na guy.

Kailangan ‘wag ka paalipin sa bisyo dahil kung siya ang magdadala sa atin, walang mangyayari…

“Ama ng bunso ko ‘yan.. wala na kaming relasyon ni Raymond, tatlong taon na.. may asawa na siya.. Raymond Dominguez ang tunay niyang pangalan.. ako po naghahanap pa. Dumadalaw ang anak ko sa kanya… sinabi ko kasi tatay mo pa rin ‘yan.. nami-miss ka niya. Pero para sa akin ayoko ring lumaki ang anak ko na pumunta siya doon… pero sana maging ok na ang lahat.”

Dumating din sa punto na nabu-bully ang bunso niya. “‘Yung kasalanan ng tatay n’ya hindi kasalanan ng anak ko… LAHAT NG NANGYARI SA BUHAY KO… AKO LANG NAMAN ‘YUN, E…,” pagdidiin ni Katrina.

Derek type makatsuktsakan

Q&A

Hindi nakaligtas si Katrina sa “fish bowl” na laging ginagawa ng “Tambayan ng Tsika Tonite” sa mga guest.

TnT Tonite: Wildest sexual fantasy at sexy na gusto niyang makatsuktsakan?

Katrina: Derek Ramsay. Kasi parang bubugbugin ka muna niya… sasaktan… ‘yung parang masokista bago kayo magtsutsuk­tsakan. Maganda kasi ang katawan niya kaya busog ako du’n.

TnT Tonite: Nag-send ba siya ng nude picture mo sa guys na nakaka-chat mo?

Katrina: Chaka ng katawan ko, puro ­kamot. Saka nu’ng kabataan ko wala pang mga ganyan.

TnT Tonite: Ano’ng type niyang sexual position?

Katrina: Nakatigilid ba? Hahaha.

TnT Tonite: Describe your sex life?

Katrina: Close to you (referring sa kanta). Ang tagal na kasi, e… hindi ko na alam ang itsura nila pramis…

TnT Tonite: Ano ang pinaka-­daring na ginawa niya sa showbiz?

Katrina: ‘Yung pinakita ang boobs ko… wala akong frontal nudity kasi hindi nila alam kung papa’no itatago ang stretch mark ko. Baka sabihin ng manonood ‘ano ba ‘yan, ang daming guhit’.

Beautiful face lang talaga ako at kailangan makita ‘yung curve ng katawan ko… ‘yung boobs… hanggang doon lang… pero ‘yung frontal baka sabihin pa nila ‘bad trip itong si Katrina’.

Itinago ang dalawang anak

Nang nag-start pala si Katrina sa showbiz ay may dalawa na siyang anak.

“Nag-start ako sa Viva noon. Hindi ko naman kinakaila na galing ako sa club… sexy kasi talaga ako dati kahit dalawa na anak ko. Pero, siyempre pinatago nila sa akin ‘yun kaya matagal ko siyang tinago, mga limang taon din. E, hindi ko na kaya na tinatawag nila akong ‘tita’ kaya sinabi ko na may anak na ako. That time hindi na nila ako binigyan ng project.”

Pinaliwanag naman daw niya sa kanyang panganay na anak ang lahat kung bakit. “Anak, kasi ganito… ganyan… wala tayong ipapambili ng gatas.”

Proud mother siya habang kinukuwento ang mga achievements ng mga anak.

“Apat ang anak ko. Ang panganay ko naka-graduate na ng commercial pilot at ang pangalawa graduate na rin ng masscom sa PLM. Pangatlo ko varsity player sa kanilang school at grade 3 naman ngayon ang bunso ko.”

Maagang namatayan ng asawa si Kat. Bilang single ­parent, hirap daw siya.

“Hindi ko alam kung papaano ang gagawin bilang tatay, lalo na nang magpatuli na ang anak ko. ‘Di ko alam kung papaano ang paglanggas-langgas, buti na lang and’yan ang friend ko.”

Wala naman daw pinagsisihan si Kat nang pumasok sa showbiz. Pero iba na raw ngayon ang kalakaran sa industriya, ‘di raw tulad nu’ng panahon nila na bongga.

Ibinahagi rin ng sexy star ang pag-produce niya ng pelikula.

“Minsan nag-produce ako ng pelikula. Actually, kasama ako sa movie na ‘yun. E, ayaw nang maglabas ng budget ang producer… ayaw nang ituloy… syempre bida-bidahan tayo… kaya sabi ko ‘ako na ang magpo-produce n’yan’. Kinunan ako ng mala­king halaga. Ang nangyari, ngangey. Na-trauma na akong mag-produce. Nu’ng time gusto ko pa sana uli… pero inisip ko pa rin kaya nganga rin.”

Sa naranasan ni Katrina sa ­buhay, puwedeng i-feature ito sa “Maalaala Mo Kaya”.

Si Angelica Panganiban ang gusto niyang gumanap at si Richard Yap naman daw ang gaganap na asawa.

Ang best movie naman na ginawa at nag-sink-in sa sexy actress, ang “Sa ‘Yo Ang Sarap Akin Ang Hirap”. “Nangyari kasi sa totoong buhay ko. ‘Yung ending nu’n masaya. Eh, masaya naman talaga ako ngayon… super saya.”

Para sa kabuuang interbyu kay Katrina, pumunta lang sa Abante Tonite website, YouTube channel at Facebook Page.