Abante Tonite Interactive

Katrina matagal nang tigang

479
tonite-pak-allan-diones
Mereseng malamig ang panahon ay panay ang mga pa-bikini ni Katrina Halili na itsurang kainitan ng ­summer ngayon.
Mula pa nu’ng Pasko ay palaban ang mga swimsuit post ng ­Kapuso actress sa kanyang hometown sa Palawan.
Nu’ng January 4 ay nag-33rd birthday si Kat, tapos ay panay ang post niya ng seksi-seksihang bikini pics niya na kuha sa isang hot springs resort sa Laguna.
In fairness ay PAK na PAK ang katawan ngayon ni Kat, so ume-FHM levels ang papiktor­yal niya by the pool na nakabilad ang kanyang sexy body.
At kaaliw ang BTS ng shoot nila ng tropa niya na kinarir ang kanyang pa-photo shoot na ‘yon.
Mukha namang totoong happy si Katrina kahit silang dalawa lang ng daughter niyang si Katie.
Ang lagi niyang sinasa­bi ay hindi siya naghahanap ng lovelife at hindi siya bothered kahit matagal na siyang tigang!

Sto. Niño ni Pokwang naka-display sa exhibit

Kung may mga celebrity na deboto ng Poong Nazareno tulad nina Coco ­Martin at Noli de Castro, meron ding mahilig sa imahe ng Sto. Niño, gaya ni Pokwang.
Kasama ang Sto. Niño de Cebu ni Pokie sa 50+ priceless images of the Child Jesus na makikita sa “Niño Dios, The 39th Sto. Niño Exhibit at San Beda Manila.”
Sinimulan ito nu’ng 1980 ng members of Society of the Holy Infant sa San Beda kung saan 30 camareros (o image caretakers) ang nag-volunteer para i-display ang tatlong Sto. Niño sa San Beda exhibit hall.
Ngayon ay isa na ito sa oldest and prestigious Sto. Niño exhibits na inaabangan taon-taon ng Child Jesus devotees.
Bukod sa Sto. Niño ni Pokwang, kasama sa idi-display this year ang Sto. Niño de Palaboy ni Direk Louie Ignacio, Sto. Niño Dormido ng komedyanteng si Shalala at Sto. Niño de Badoc ng showbiz TV reporter na si Jeff ­Fernando.
Libre at open to the public ang nasabing exhibit mula January 25 hanggang ­February 9 sa Pamanang Bedista Heritage Center of San Beda ­Manila campus.

CarGel malalim ang problema

Patol pa more si Angelica Panga­niban sa mga nanlalait sa kanya in defense of Carlo Aquino, na sa irita niya ay in-unfollow na lang niya si Carlo sa Instagram.
Sa Twitter ay pina-follow pa rin ni Ange­lica si Carlo at may tweet siya na, “Maayos naman samahan namin. Sinira n’yo lang. Sana masaya na kayo.”
“Anong pinagkaiba ng bullies sa bashers? Gusto ko malaman. Para makatulog na ako… may trabaho pa ako in a while eh…” hirit pa ni Angelica sa isa niyang tweet.
Feeling ng ilang mga netizen ay may mas malalim na problema ang CarGel at ginagamit lang na excuse ni Angelica ang basher para maghiwalay sila. Ang babaw daw kasing dahilan ng basher kung talang matatag ang ­samahan ng dalawa.
And knowing Angelica, kung wala silang problema at lalo na kung totoong nagka­balikan na sila, hindi niya basta-basta bibitawan o lalayuan si Carlo.
Sa tagal na ni Angelica sa showbiz ay marami raw mas matitindi pang bashing itong naranasan at wala raw sa personality ng aktres ang basta na lang itatapon ang years of friendship.
So, malamang may mas malalim na dahilan ang hugot na ‘yon ni Angelica… akala n’yo lang wala, pero meron, meron meron!
Si Carlo ay nananatiling tahimik sa mga hanash at kuda ni Angelica. Parang mas abala itong mag-promote ng up­coming movie nila ni ­Nadine ­Lustre na “Ulan” kesa makisali sa isyu.