Abante Tonite Interactive

Katrina nagsawa sa mga lalaki

By
895
Excited si Katrina Halili sa ginawa niyang indie film na kasali sa TOFARM Film Festival 2018 dahil kakaiba raw ito sa mga nagawa niyang pelikula.
Nasa loob lahat ng struggle ng karakter niyang si Iyong na mahinhin, tahimik lang at walang kamalditahan. Malayo sa contravida roles na madalas niyang gampanan.
In short ay nasa loob ang kulo ni Iyong. Sa totoong buhay ba ay nasa loob din ang kulo ni Kat?
“What do you think? Ikaw ang makakasagot niyan,” natatawang buwelta sa amin ng Kapuso actress.
“Basta nu’ng ginawa ko ang movie, feeling ko may part ako na parang si Iyong. Hindi rin kasi ako masabi ng feelings ko, eh. Puro lang dito sa loob.”
‘Mga Anak ng Kamote’ ang pamagat ng pelikula ni Katrina na 2048 ang setting at pinagbabawal ng gobyerno ang pagtatanim ng kamote, na parang droga.
Deglamorized dito si Kat. Initiman siya at magulo ang buhok dahil nagtatanim siya ng kamote sa bukid. At wala raw siyang ginawa kundi maghain ng kamote.
Parang hindi makapaniwala si Kat na nagawa niya ang pelikula habang may teleserye siyang ‘The Stepdaughters’ na 3X a week ang kanyang ta­ping.
2 hours lang daw palagi ang tulog niya sa biyahe. Kahit sa set ay hindi man lang siya makaidlip dahil lahat ay eksena niya.
Nakaya niya raw ang 6 days straight na 2 hours a day lang ang tulog. Happy raw kasi sila sa set kaya hindi niya naramdaman ang pagod.
Medyo may konting pa-sexy raw si Kat sa ‘Mga Anak ng Kamote’ pero kiye­meng nakalimutan niya kung may love scene ba siya kina Alex Medina at Kiko Matos.
May amnesia kasi ang role niya at hanggang sa presscon ay in character si Kat na kiyemeng makakalimutin ang peg.
Matagal nang walang lovelife ang 32-anyos na sexy actress. Puro trabaho lang siya.
“Parang napagsawaan ko na yata, eh. Napagsawaan ko na sila. Ayoko na. Busy na ako sa career at sa pag-iipon para sa anak ko.”
Aniya, wala pang dumarating at wala rin siyang nakaka-date pero okey lang sa kanya. Hindi niya raw nami-miss ang magkadyowa.
Magsi-6 years old na ang daughter ni Kat kay Kris Lawrence na si Katie.
Mapapanood ang ‘Mga Anak ng Kamote’ at ang anim pang entry sa TOFARM filmfest sa September 12-18 in selected cinemas.
***
Aljun nanawagan kay Coco
Bongga ang Manobo Prince na si Aljun Cayawan dahil gusto niyang maging parte ng long-running teleserye ni Coco Martin na ‘Ang Probinsyano’.
Napapanood daw ito ni Aljun at gusto niya ang programa dahil ipinapakita rito ang mga totoong nangyayari sa bansa ngayon.
Nang sabihin namin kay Aljun na manawagan siya kay Coco ay nanawagan naman siya. Sana raw ay mabigyan ng chance ang isang katutubo na kagaya niya kung may puwang pa sa show.
Sabi namin kay Aljun, puwede siya dahil probinsyano siya sa totoong buhay. Galing ang 25-anyos na binata sa Sibagat, Agusan del Sur at kilala siya bilang Datu Agong ng tribong Manobo Agusanon.
Crush ni Aljun sa showbiz si Kim Chiu na sabi niya ay Bisaya din. Gusto niyang ma-meet si Kim at makipag-sel­fie dito. Pangarap niyang makatrabaho ang chinita actress kung bibigyan siya ng chance. Kahit nga raw maging P.A. lang siya ni Kim ay okey sa kanya.
Biniro namin si Aljun na dahil prinsipe siya ng tribo niya, isama niya sa kanila si Kim at gawin niya itong prinsesa. Tamang-tama, ‘Chinita Princess’ ang IG name ni Kim.
Natawa ang binata na minsan nang sumali sa Mr. Philippines pageant kung saan siya nagsuot ng trunks. Dahil may talent si Aljun sa pagkanta, marami na siyang nasalihang singing contest kabilang na ang 2018 WCOPA sa Amerika na marami siyang nakuhang me­dals.
Sobrang honored si Aljun na kinuha siyang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products ni Ms. Aileen Choi-Go.
Isang malaking karangalan daw ito para sa katulad niyang katutubo at dahil dito ay mas makakatulong siya at mas makikilala pa ang kanyang tribong Manobo Agusanon.