Abante Tonite Interactive

Katrina pinadalaw ang anak sa baby brother

204

Kahit iba ang ina:

Nakakatuwa si Katrina Halili dahil may sarili siyang ganap nu’ng Undas kahit nagbabakasyon siya sa lugar nila sa El Nido, Palawan.

Dahil may kanya-kanyang pa-costume ang mga celeb nu’ng Halloween, hindi nagpakabog ang Katrina kahit nandu’n siya sa isla.

May pa-photo shoot siya sa batuhan na mala-diyosa ang peg niya at emote kung emote talaga si Kat habang nakalantad ang legs niya.

May Disney princess din siyang peg, na twinning sila ng daughter niyang si Katie bilang Moana. Dala-dalawa pa ang kulay ng wig niya, may black at may blonde.

Nu’ng mismong Undas ay Greek goddess ang costume ni Kat, na may kuha pa siyang nakasabit sa trak ng bumbero.

Ang sabi sa amin ng Kapuso actress, mga stylist at makeup artist ang friends niyang kasama sa Palawan kaya nakatuwaan nilang magdala ng mga costume.

May papiktoryal sila sa bundok at sa may beach na Greek gods and goddesses ang peg nila.

Five days lang daw ang bakasyon niyang ‘yon at pagbalik ng Maynila ay pinadalaw niya agad si Katie sa newborn baby brother nito na si Lyric.

Nanganak kasi recently ang non-showbiz girlfriend ni Kris Lawrence at excited si Katie na ma-meet ang half brother nito. Okey sina Katrina at Kris, at masaya si Kat sa bago nitong anak sa karelasyon nito ngayon.

Pinost pa ni Kat sa IG niya ang pic ni Katie with Baby Lyric, tapos ay kinongratuleyt niya si Kris at ang nobya nitong si Joyce.

Dumating pala ang lola ni Katie galing Amerika kaya sinabihan ni Kat si bagets na doon na matulog dahil pabalik din agad ng US ang madir ni Kris.

O, ‘di ba, ang ganda ng setup nila? Nakaka-good vibes dahil wala silang problema. For sure, maha-happy rin si Kris ‘pag nakahanap na ng bagong love si Katrina.

Balik-taping na raw today si Kat sa Kapuso afternoon soap na “Prima Donnas” kung saan mabait ang karakter niyang si Lilian, na surrogate mother ng tatlong Donnas na ginagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

Ganadong magtrabaho ang “Prima Donnas” cast dahil wagi sila sa ratings at tinatalo na nila ang katapat nilang programa.

Alden nagbakasyon

Puma-family bonding si Ms. Jean Garcia sa mga kamag-anak niya sa Amerika kung saan siya nagbabakasyon ngayon.

Umabot pa sila sa Halloween doon ng cutie pie niyang anak na si Kotaro, so ang daming nakuhang candies and chocolates ni bagets sa trick or treat.

May pa-costume din sila, na pa-cute ang Kapuso actress sa kanyang Pikachu outfit at Woodstock na bespren ni Snoopy.

Ang alam namin ay nag-advance taping ang “The Gift” para makapagbakasyon ang cast, lalo na ang bidang si Alden Richards.

Wala pang vacation posts si Alden, pero pamilya rin ang ka-bonding nito gaya ni Ms. Jean.

Simula na pala ngayong gabi sa “The Gift” ang mas kapana-panabik pang mga magaganap sa buhay ni Sep (Alden). Kung kailan ito nabulag ay unti-unting naging malinaw ang lahat at nakita nito ang katotohanan.

Lumilitaw na ang kuwento ng pagkatao ni Sep at tila malapit na nitong matuklasan na si Nadia (Jean) ang kanyang tunay na ina.