Abante Tonite Interactive

Katrina, Sheena, Chariz taob ni Kyline

474

Ang pinakamalaking pagtataka ko lang naman sa “StarStruck,” bakit kasali si Kyline Alcantara? Ang babaeng sangrekwa daw ang mga Sunflower supporter ang tatayong host para sa “Inside StarStruck” na matutunghayan sa YouTube.

Parang ang mga taga-Kamuning station, may pananalig na marami talagang millennial na nagmamahal at yumayakap sa dalaga kaya umaasa silang iingay ang bagong incarnation ng reality based artista search dahil sa estrella po-wers ni Alcantara.

May estrella powers talaga si Kyline? Kamusta naman po ang nangyari sa “Inagaw Na Bituin?” Iniwas ang time slot sa “Kadenang Ginto” pero inagaw pa rin nito ang lahat ng audiences sa show ni Alcantara na mas bagay maging kontrabida kesa bida?

Ang nakakapagtaka at nakakahibang, wala bang graduate ang show na maraming Facebook, Instagram or Twitter followers na puwedeng gawing host sa online channel?

Wala bang sumusubaybay kay Sef Cadayona na for a time naging sorbetes endorser, naging kasintahan sa dilim rin daw of another pa-sexy starlet at ni Menggay Mendoza?

Ang kuwelang si Chariz Solomon na kahit paano tumatak rin naman sa larangan ng pagpapatawa at mahusay na support bilang yaya o bestfriend, hindi puwede?

Eh ang pambansang bestfriend, ang wholesome na Halili, si Sheena, nakakahikab ba kung gagawin siyang insider?

Ang may pinakamalaking eskandalong hinarap, ang the other Halili, si Katrina, hindi ba bagay na dahil there was a time eh online sensation siya because of the Hayden Kho video diaries, sa isang online platform siya bigyang tsansa na mag-host at magpa-kawala ng mga matataray or witty commentaries? Ang additional tanong, alam ba ni the other Halili what witty means. Ang savage! Charot!

Eh ang pinatawad na nilang original First Prince, si Rainier Castillo who has the best killer smile this side of Hollywood at parang blessed na maging forever young loo-king at aminin, may dance craze na napasikat, hindi ba puwedeng siya na lang ang maging bida sa programa?

For sure, sina Matt Escudero at Steven S­ilva, will not be considered at maaring hindi ma-mention at all sa history of the talent search kasaysayan kasi nga mga prodigal son ang dalawang bruho.

Siyempre pa, it follows na ang mga nasa Mother Ignacia station, ang mga video clip o pangalan nila, gone with the wind na rin.

Kung pumatok si Kyline bilang “Inside StarStruck” show host at they reached the target views and shares na gusto nila, is it safe to say na tunay ngang may buhay na mga Sunflower follower ang dalaga at exciting nga ang bagong batch?

Eh paano kung hindi ma-reach ang numbers at views na inaasahan nila? Sino ang sisihin? Sino ang may kasalanan? Hindi kaya tilian ni Cherie Gil si Kyline at sabihan na, “You’ll never make it.” Imbes na masabuyan ng tubig, matupad na ang kanyang pangarap na masampal ni Madame Gil?

Kung wala palang massive online followers ang mga naging artistang naging graduate sa “StarStruck,” isa na naman ba itong patotoo na surviving talaga in showbiz is the hardest and trickiest part of the artista equation?