Abante Tonite Interactive

Katropa ni Jones lalaro sa TNT

405

Makalipas ipakita ang husay at talento ni Terrence Jones sa natapos na nakaranggang Biyernes na PBA Commissioner’s Cup, isang NBA veteran din na dating teammate ng una ang kakampanya sa TNT sa susuod na buwang Governors’ Cup.

Ipaparada ng Ka­Tropa si KJ McDaniels, na second round pick ng Philadelphia 76ers noong 2014 draft, at naging kakampi ni Jones sa Houston Rockets.

Naihatid ni Jones ang Ka­Tropa sa Commissioner’s Finals, tinabig ng San Miguel sa anim na laro.

Ang dalawa ay naging magkakampi sa Rockets sa 2015-16 season.

Si Jones ay first round pick ng Houston noong 2012 at si­nandigan sa kabuuang ng torneo ng KaTropa kung saan kinapos nga lang sa titulo laban sa Beermen sa midseason conference.

Ang mula Alabama na produkto ng Clemson University ay huling naglaro sa Las Vegas sa G-League. (Lito Oredo)