Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katsikahan ay Eekstra-Terestriyal

0 84

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba nakaranas nang makipag-tsikahan sa mga nilalang sa kabilang dimensyon? Si Edward ng Malabon ay meron ganitong karanasan.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Edward ay likas nang may kakayanan makipag-usap sa kabilang dimensyon. Nang tanungin ng #Misteryo kung anong mga nilalang ang mga nakausap niya. Walang ka-abog abog na sumagot siyang nakakausap niya mga multo, engkanto, anghel at ET.

Misteryo: “Kailan mo pa nadiskubre na may ganyan kang kakayanan?”

Edward: “Pagtuntong ko ng edad 30, unti-unting nagbukas ang aking third eye at mula noon nagagawa kong makipag-usap sa isip sa mga taga-kabilang dimensyon.”

Misteryo: “Sabi ng iba delikado daw makipagusap sa mga ispiritu, maligno at baka daw makausap mo pala ay demonyo.”

Edward: “Nagagawa kong piliin kung sino kakausapin ko at kailangan lang maglagay ka ng boundary. Yun bang Ikaw ang kailangan masunod at hindi sila.”

Misteryo: “Tama ba yung last na nakausap mo ay mga ET? Teka nakikita mo ba sila? Hindi ka ba takot?”

Edward: “Una hindi na ako takot sa kanila pero noon talagang nerbiyos ko takot akong makidnap ng mga ET kasi nauso noon ang alien abduction. Inaamin ko naisama na nila ako minsan sa out of body experience ko.”

Misteryo: “Ano ang takbo ng usapan niyo ng ET? Narito na ba talaga sila sa planeta natin?”

Edward: “Oo matagal na silang narito sa lupa panahon pa ng mga ehipto at maging sa panahon ni Hesukristo.”

Misteryo: “Sabi mo lagi mo sila katsikahan sa isip lang ang usapan di ba? Ano naman napag-uusapan niyo?”

Edward: “Yung pang-araw araw na buhay ng tao at buhay nila sa kabila kasi para ding sa tao ang kanilang buhay. May gobyerno din sila, May pulitika sa kanila at siyempre meron ding labanan o digmaan.”

Misteryo: “Meron ba silang nasabi sa problema natin sa pandemya?”

Edward: “Minsan natanong ko na yan at simpleng sagot, kayang lagpasan ng tao ang problema.”

Sadyang may mga tao na may ganitong kakayanan. At patunay din na hindi lang tao ang nilalang sa mundong ito. Nandyan lang sila sa paligid natin, nagmamasid.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.