Abante Tonite Interactive

Katunggali ni Xian lumutang na

1,028

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNgayon, puwede na siyang pag-usapan. Si Xian Lim ay kasali sa Cinemalaya 15. He reinvents himself as direktor dahil ang pelikula niyang ‘Tabon’ ay isa sa pangmalakasang pelikulang kalahok in competition sa pinaka-prestigious na Philippine Independent Film Festival.

Si Lim, kasama ang iba pang mga direktor at kanilang mga pelikula ay ipinakilala sa awards night. Ganyan naman ang tradisyon sa Cinemalaya.

Dream realized ni Xian ang pagiging direktor. Wala pa siyang cast at dadalo siya sa Cinemalaya open audition at maaring doon mamili kung sino ang makakasali sa pelikula.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ni Xian sa isang panayam, “I always wanted to direct and buti na lang napasama ako sa group of people na sumusuporta sa vision ko especially Sir Ricky Lee, who helped us in Batch 17. I was a participant in 15 week workshop.”

Dagdag pa ni Lim, “I’ll be having a couple of guys to guide me along the way, and I’m sure this is… I’m going to need all the help I can get. Hindi naman ito ‘yung parang ‘yung sinasabi ko na kaya ko na.”

Hindi pa rin alam kung ang pelikula ni Lim ay all-out drama, suspense thriller o horror. Hindi raw siya aarte sa pelikula niya, super hands on siya sa pagiging direktor nito.

Ang iba pang kalahok at katunggali ni Xian sa susunod na Cinemalaya ay: An1 nina by Kim Zuniga & Sandro del Rosario, Annak ti Karayan ni Maricel Cariaga, Belle Douleur ni Joji Alonso, Fucc Bois ni Eduardo Roy, Jr., Iska ni Theodore Boborol, John Denver Trending ni Arden Rod Condez,Malamaya nina Lei Chavez & Danica Sta. Lucia, Pandanggo by Sheryl Rose Andes at Ward by Thop Nazareno.

Mikoy may photo scandal?

May mga photo scandal daw itong si Mikoy Morales. The WHO si Mikoy Morales? Sobra naman kayong harsh sa kanya.

Nasa Pepito Manaloto ang binata. May pelikula rin itong 4 Days na parang sila-sila lang ang nanood at kasama siya sa Madilim Ang Gabi, isa sa mga pelikulang kalahok sa PPP.

Sa press payanig para sa madilim, walang nangahas magtanong tungkol sa scandal umano ni Morales.

Mabuti ang throwback photo na ga­ling sa isang bidyo na itinuturong si Jeric Gonzales ang bida.

Kahit pa nga neither here nor there are karera nito, at ang tanging ang role niyang si Vincent sa Destiny Rose ang talagang katauhang tumatak sa lahat, ang mga larawang kupas kung saan makikita ang isang lalaking hubo’t hubad na pinag­lalaruan ang kanyang impressive na palo-palo, si Jeric nga talaga?

Kung siya nga ito, makakatulong kaya sa dramang Ika-5 Utos kung saan one of the many si Gonzales?

Ang diva that you love, patuloy pa ring mananalig na ang mga ka-Siyete, ang hiling at lambing mula sa sangkabekihan, muling pagbigyan, pagtambalin sina Ken Chan at Jeric Gonzales sa isang romantic pink drama.

A different millennial kind of love, ika nga. Kung hindi sa telebisyon, sana may producer out there na mangahas na sila ay pag­tambalin.