Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katutubong laro sa Saranggani

0 63

Magsasagawa ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang pre-recording ng mga traditional sports at games ng Indigenous Peoples (IPs) na ipalalabas sa PTV4 sa Oktubre 8-12 sa Sarangani Province.

Sa pakikipagtulungan ng Pocari Sweat Otsuka-Solar Philippines, Inc., National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Provincial Government of Sarangani, at Municipality of Malungon, parte ito ng 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (QCP).

Ang mga itatampok ay ang blowdart, Kmisong (fire-making drill), Skuyah (track and field), javelin throw at pana. Parte rin ang traditional dance na Tagakaulo, T’boli, at B’laan Indigenous Cultural Communities (ICCs) sa Malungon.

“The activity aims to promote the traditional sports and games of the Sarangani IPs through a pre-recorded mini-documentary,” sambit Huwebes ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, ang oversight ng Indigenous Peoples Games program. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.