Abante Tonite Interactive

Katy Perry inakusahan ng sexual assault

546

HOLLYWOOD

Inakusahan si Katy Perry na walang pakundangang ipinakita ang ari ng nakatrabahong mo­delo (Josh Kloss) sa kanyang “Teenage Dream” music video.

Ito raw ay sa harapan ng maraming tao sa isang pagdiriwang. Naganap ang insidente sa birthday party ng costume designe­r na si Johnny Wujek’s ilang araw lang matapos makipaghiwalay si Katy sa dating asawang si Russell Brand noong 2012.

Sinimulan ni Kloss ang mga paratang kay Perry sa kanyang sunod-sunod na post sa Instagram noong Linggo, kasunod ang pag-aakusa niya sa mang-aawit ng sekswal na pag-atake.

“You know. After I met Katy, we sang a worship song, ‘Open the Eyes of My Heart,’” bungad paliwanag niya kung saan sinabi pa niyang noong una niyang makilala si Katy ay napaka-cool at mabait daw.

“When other people were around she was cold as ice, even called the act of kissing me ‘gross’ to the entire set while filming,” pagpapatuloy ni Kloss.

Inilarawan ni Kloss na sobra siyang napahiya sa ginawa ni Perry sa kanya.

“As I turned to introduce my friend, she pulled my Adidas sweats and underwear out as far as she could to show a couple of her guy friends and the crowd around us, my penis. Can you imagine how pathetic and embarrassed i felt? I just say this now because our culture is set on proving men of power are perverse. But females with power are just as disgusting. So for all her good she is an amazing leader, hers songs are mainly great empowering anthems. And that is it. I continued to watch her use clips of her music videos for her world tour and then her dvd, only highlighting one of her male co-stars, and it was me.”

Sinabi ni Kloss na halos $650 lamang daw ang ibinayad para sa kanyang trabaho sa “Teenage Dream”.

“I was lorded over by her reps, about not discussing a single thing about anything regarding Katy publicly,” dagdag na pahayag ni Kloss.

“And a couple interviews they edited and answered for me.”
Tinapos niya ang nakagugulat na rebelasyon sa pamamagitan ng pagsasabi na ito ang pinaka-nakakalito, kahiya-hiya, at sobrang nagpapahamak at pangmamaliit sa kanyang pagkatao na ginawa sa kanya. Hindi raw ito makakatulong sa kanyang imahen.

(Lourdes Fabian)