Abante Tonite Interactive

Katy Perry nabosohan nina Lionel at Luke

5,345

Shocked ang nasa loob ng studio ng American Idol nang hindi sinasadyang napunit ang suot na damit ng singer na si Katy Perry, 33, habang siya ay nagsasayaw at bumagsak. Sa pagtayo, na-out of balance siya dahil sa taas ng heels at fitted ang damit na suot.

Si Perry ay isa sa mga hurado ng AI kasama sina Lionel Richie, 68, at Luke Bryan, 41. Ang Venezuelan Idol contestant na si Michelle Sussett ay kumanta ng upbeat song na Techno Cumbia ni Selena Gomez. Danceable ang kanta kaya tumayo ang dalawang hurado na sina Richie at Bryan. Nakipagsabayan ng pagsasayaw sa AI contestant. While dancing pinatayo rin nila si Katy para magsayaw. Enjoy naman ang singer habang nagsasayaw hanggang sa ‘di sinasadyang napunit ang fitted na damit at siya’y bumagsak.

Sa pag-out balance ng tayo ni Katy ay muli siyang bumagsak nang pabulagsak. Ang hindi kanais-nais ay ‘di sinasadyang mabosohan siya nina Richie at Bryan. Nagtawanan ang nasa loob ng studio, pero napanganga sa “nakita” nila kay Perry. Naging maagap naman ang mga crew at agad na hinarangan ang parteng ibaba ng singer.

Agad na tinulungan ng dalawang judge si Katy habang si Luke hindi makapaniwala at nagtakip ng mata sabay sabi “There are things a man can’t unsee.” Shocked si Katy sa nangyari sa kanya, pero nakuha pa rin niyang magbiro, “I’m the best dancer ever.”

Hindi lang pala isang beses nangyari kay Perry ang nakaw-atensyon sa American Idol. Na-shock din ang audience nang bigla niyang halikan ang male contestant bago ito mag-umpisang mag-audition para sa premiere episode ng popular music competition.