Abante Tonite Interactive

Kauna-unahang halalan

28

Ang eleksyon para sa Malolos Congress o Re­volutionary Congress ang kauna-unahang halalan para sa mga kinatawan sa lehislatura ng Pilipinas na ginanap mula Hunyo 23 hanggang Setyembre 10, 1898.

***

Matapos ang halalan ay pinili naman ang mga magiging opisyales ng Malolos Congress.

Abante Hiring – IT dep

Hinirang na pangulo si Pedro Paterno, bise si Benito Legarda, unang kalihim si Gregorio Araneta at pangalawang kalihim si Pablo Ocampo.

***

Tinalo ni Paterno si General Antonio Luna sa botong 24-23; nagwagi si Legarda laban kay Aguedo Velarde sa botong 21-9; habang nakakuha naman si Araneta ng 31 boto at 27 kay Ocampo, upang maging mga opisyales ng Malolos Congress.

***

Ang legislative election noong 1916 ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng halalan para sa dalawang­ kapulungan ng Kongreso.

***

Related Posts

Ang halalan na ginanap noong 1935, ang kauna-unahang general election sa ilalim ng Commonwealth of the Philippines. Dito ginanap ang unang direct election ng pangulo at bise presidente ng Pilipinas.

***

Si Manuel L. Quezon ang nanalo bilang pangulo at si Sergio Osmeña ang kanyang bise presidente sa ginanap na ge­neral election noong 1935.

***

Kandidato ng Nacionalista Party si Quezon at kanyang nakalaban sa pagka-pangulo sina Emilio Aguinaldo ng National Socialist Party, Gregorio Aglipay ng Republican Party at ang independent candidate na si Pascual Racuyal.

***

Katunggali naman ni Osmeña sa vice presidential election sina Raymundo Melliza ng National­ Socialist Party at Norberto Nabong ng Republican Party.

***

Si General Alfredo M. Santos, na naging chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1962 hanggang 1965, ang kauna-unahang four-star general ng hukbong sandatahan ng bansa.

Nagsilbi siyang chief of staff ng AFP sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isa siyang inhinyero na naging sundalo. Isang kampo ang ipinangalan sa kanya sa Calauag, Quezon.