Abante Tonite Interactive

Kauna-unahang kanta sa buong mundo, nakakatakot ang tunog

By
216

Likas na sa ating mga Pilipino ang hilig sa pagkanta. Maganda man o hindi ang ating boses ay wala ta­yong pakialam basta’t gusto natin ang kanta ay sasaba­yan natin ito. May mga kanta naman na mas bet na­ting pakinggan kaysa kantahin. Sa panahon nga­yon ay napakarami ng kanta ang nauuso, mapa-lokal man o international, hindi tayo nagpapahuli diyan. Dahil kinakahiligan nga natin ito mula noon hanggang ngayon kaya hindi lang natin ito basta sinasabayan kundi lumilikha rin tayo ng mga sarili nating awitin. Isa ito sa kinawiwilihan ng mga kabataan ngayon. Pero alam niyo ba kung ano ang kauna-unahang kanta na nalikha?

Ito ay tinawag na “Hurrian Hymn no.6 na orihinal na composer nito ay Syrians.­ Si Enrico Caruso naman ang kauna-una­hang recording star sa kasaysayan. Ang ‘Vesti le gubba’ mula sa ‘Pagliacci’ ay nirecord niya noong 1902.

Sinasabing si Thomas E­dison ang kauna-unahang tao na nakapagrecord ng sound, subalit si Edouard – Leon Scott de Martinville ang kauna-unahan naman na nakapagrecord ng kanta. Kung pakikingan niyo ang kauna-unahang awitin na ito na nairecord ay siguradong kikilabutan kayo. Nakakatakot kasi ang tunog niya.

Personal ko itong pina­kinggan sa YouTube at ang na-picture ko sa isip ko habang pinapakinggan ito ay isang lugar noong unang panahon na nababalutan ng hiwaga at kalungkutan. Si Edouard-Leon Scott de Martinville ay isang French printer at book seller na siya ring nag-imbento ng phonautograph, ang pinakasina­unang device na may kakayahang magrecord. Ina­wit ni Scott ang French folk song na may pamagat na ‘Au Clair de La Lune’sa inimbento niyang phonautograph. Ang recording na ito ay ginawa noon pang April 9, 1860 subalit dahil sa hindi pa noon napapagana ang tunog sa phonautograph, ang awiting ito ni Scott ay napakinggan lamang nang muli itong madiskubre noong 2008. Noong una ay inakalang isang babae o isang bata ang umaawit subalit nang bagalan ito at mapakinggan ng mga scientist, nakumpirma nila na ito ay boses ng isang lalaki at ipinapalagay na boses mismo ni Scott.

Sa Pilipinas naman, ang kinikilalang ‘Father of Philippine Recording’ ay si Manuel P. Villar. Si Maria Carpena naman ang kauna-unahang Filipino recording artist at sarswela star. Nakakaaliw na tuklasin ang mga kasaysayan ng musika na ating kinahihiligan sa nga­yon at patuloy na kahihiligan sa hinaharap.

Iba’t iba na nga ang tema ng awitin ngayon at hindi na rin mabilang ang mga contest na may kaugnayan rito. Habang tumatagal ay lalo pang lumalawak ang kaalaman at talento ng mga tao sa pagkanta. Hindi na rin mabilang ang mga Pilipino na nakilala at nagtagumpay sa larangang ito.