Abante Tonite Interactive

Kaunting sakripisyo lang

By
831

Daming reklamo sa pagsasara ng Boracay. Himayin natin ang mga hinaing.

Paano naman daw ‘yung maaapektuhang mga kabuhayan? Wala raw nakahandang patrabaho ang gobyerno sa mga displaced worker. ‘Yung mga taong nakasked na para pumunta at magbakasyon masasayang ‘yung ginastos? ‘Yung turismong babagsak dahil sa desisyong ito. Bakit timing pa ng summer? At mahaba pang listahan…

Bottom line, pera. Minsan, matatanong mo na lang talaga. Ganu’n na lang ba talaga ang mentalidad natin tuwing tatamaan tayo ng isang ‘di pangkaraniwang desisyon. ‘Yung pagtanggap natin eh la­ging nakabatay sa pera at sa kung anong personal na interes natin ang masasagasaan. Kahit na sa bandang huli, eh para naman sa atin talaga ‘yun.

Abante Hiring – IT dep

Hindi ba talaga puwedeng magsakripisyo paminsan-minsan para maiayos lang ‘yung lugar at maibalik ang ganda nito?
Ang Boracay ay isa sa pinakatanyag na destinasyon sa mundo. Pinong buhangin… naggagandahang pa­silidad… Banayad na alon… Paraiso para sa nakararami. Pero bakit kailangang isara pa­nandalian? Kasi naabuso ang lugar. Kasi masyado nang dumumi ang tubig. Kasi gobyerno lang ang may kayang ilatag ang desisyong ‘yan.

Sa mata ng mga dayuhan, hindi ba nila ipagpapasalamat na inaalagaan natin ang kapakanan nila? Na ‘yung ginagawa natin eh pabor sa kanilang mga darating na lakbay? Mas malinis na tubig, mas maayos na galaw sa basura… mas protektadong lugar laban sa mga negosyanteng umabuso ng ilang dekada.

Related Posts

Kinailangan pa talagang ang Presidente ang mag-utos na ipasara muna ito. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Pero siya lang ang tanging pangulo na kinayang mag-utos ng ganito. Matapang. May direksiyon. May tunay na malasakit sa bayan. ‘Yan ang klase ng karakter na kailangan ng bayang ito.

Sa bandang tama, aasahan naman talaga natin ‘yung takot na mararamdaman ng isang trabahante sa isla. ‘Yung kakainin nila… paano sila mabubuhay. Pero bago ang resistance, tingnan muna natin, may programa ba ang gobyerno para sa kanila?

Sagot. Meron. Nu’ng nakaraang linggo, nabasa ko sa pahayagan ang nilatag na emergency employment assistance ng gobyerno para sa kanila. Tapos sasabihin nila, eh hindi sapat ‘yun… mas malaki ang kita namin kung ‘di isasara. Sayang ang summer.

Kontra sagot: Tulay lang naman ‘yun para mairaos ang 6 na buwan. Hindi naman tatapatan ng gobyerno ang kinikita nila kung bukas man ang Boracay. Pangalawa, bubuksan namang muli kapag malinis na. At asahan na nila, sa mu­ling pagbubukas noon, dadagsa ang tao dahil gusto nilang makita ng una ang nagbago sa lugar pagkatapos ayusin at linisin ito.

Bawi rin agad ‘yun. Asahan ang maraming turistang lalakbay para muling maramdaman ang Boracay experience. Tapos, magkakaroon ng mas conscious na effort sa mga tao doon na alagaan nila ang lugar para ‘di na maulit ang ganu’ng utos. Sa ganang akin, mas mayabang ang tindig ng Filipino. Dahil mas handa tayong tanggapin ang ating bisita dahil sa mabuting kalagayan ng ating isla.