Abante Tonite Interactive

Kawani ng Staples, restaurant, hospital sinaklolohan ni Davis

519

UMAYUDA si Lakers star Anthony Davis sa Staples Center employees, local restaurants at hospital workers sa Los Angeles na MGA apektado ng coronavirus disease.

Kinontak ni Davis ang Lineage Logistics, ang world’s largest cold food storage company, para makatuwang.

Tutulungan ang mga empleyado ng Staples na makahanap ng trabaho sa Lineage, lalo ngayon na mataas ang demand ng frozen food sa LA.

Tatapatan din ni Davis at ng Lineage ang $250,000 sa donasyon para sa Feed the Frontlines LA, ang organisasyon na lumilikom ng pondo para bumili ng pagkain sa mga local restaurant na ide-deliver naman sa hospital workers.

“I knew I wanted something good to happen for the employees that work at Staples who were unable to work,” ani Davis. “Lineage Logistics had contacted my team, and you know I wanted to get involved with them and kind of supply food to everyone and the people in Staples the opportunity to work.”

Nag-commit ang NBA teams at players ng $38M sa relief funds, iba pa ang $25M donation ni Clippers owner Steve Ballmer. Nangako rin ang 30 NBA teams na babayaran ang kani-kanilang part-time staff.

Ang Lineage din ang nag-imbak sa pagkaing planong ipamahagi ni Golden State Warriors star Stephen Curry. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad