Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan, ala-Spiderman

0 271

Nag-ala-spiderman sa pader ang isang lalaki para pagnakawan ang isang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Tumana, Marikina City.

Sa repot ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Aldrin Maritnes y Rocabo, 21-anyos, ng Marikina City at nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Inaresto ang suspek matapos makipag-ugnayan ang biktima na si Stephen De Leon y Presentacion, 29, sa Marikina Police matapos isumbong ng kapitbahay na si Lord James Banzuelo y Marinas, 20, ang pagpanik ng suspek sa ikalawang palapag na bahay ng biktima alas-1:30 ng madaling araw sa Angel Santos St., Barangay Tumana, Marikina City.

Nakuha ng suspek ang isang unit ng Vivo Y91 cellphone na nagkakahalagang P10,000, isang unit ng Vivo Y15 cellphone P11,000 at P300 cash money saka lumabas ng bahay at nagtungo sa isang kaanak na malapit lang sa bahay ng pinagnakawan.

Agad na isinumbong ng witness sa biktima ang pangyayari at agad na nagtungo sa Marikina Police at nirespondehan ng tauhan ng Marikina Police Station 4 kaya nahuli ang suspek subalit hindi na nabawi pa ang mga ninakaw nito. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.