Abante Tonite Interactive

Kawatan binasag ang ulo

By
5

Isang construction worker na umano’y nagnanakaw ng mga materya­les sa konstraksyon ang natagpuang patay sa kanilang barracks sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ala-1:00 ng madaling -araw nang matagpuan ang mga labi ng biktimang nakilala lamang sa alyas na Jonathan sa silid nito sa Road II, Phase III, North, Matrix Ville, Barangay 173, Camarin ng nasabing lungsod na sabog ang ulo at hinihinalang pinaghahampas ng matigas na bagay sa ulo.