Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan kumana sa restobar

0 223

“Sarado na nga, pinagnakawan pa”, ito ng naging hinaing ng may-ari ng isang KTV bar nang madiskubreng ninakaw ang kanyang mga videoke set na gamit sa kanyang matagal nang saradong bar dahil sa pandemic, kamakalawa sa Pasig City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), naaresto sina Angelo Arias y Andal, 19-anyos, Cyper Cruz y Martin, 25 at Rolly, 16-anyos matapos makilala ng witness na si Johndale Fernandez, nang siyasatin ang nakakabit na CCTV footage.

Agad na inaresto ang mga suspek sa ikinasang follow up operation alas-3:00 Biyernes ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang EUCA Bar Restaurant sa 18-C Westbank Road, Floodway, Bgy. Rosario, Pasig City nang mapansin ni John Uhry Valley y Miranda, 36-anyos, na sira ang kisame ng kanyang restobar.

Nakita niya na nawawala ang isang ng unit QBE 65” inches smart TV; Platinum Karaoke Player; Pro Stax Mike receiver with microphone; isang set ng Altech Lansing Speakers; at Airbed with pump kaya agad na inireport sa Pasig Police na ikinahuli ng mga suspek at nabawi rin ang mga ninakaw na videoke set. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.