Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan nahiyang pitasin kalabasa humiwa na lang

0 48

Tila nahiya ang magnanakaw na umatake sa isang gulayan sa Pozorrubio, Pangasinan.

Imbes kasi na pitasin na lang ang target niyang kalabasa ay nakihiwa na lang ito.

Makikita sa litrato na pinost ng isang Jhon Sidayon sa Facebook ang tinapyasang bahagi ng nasabing gulay na nakakabit pa rin sa halaman.

SM food to go Banner Ad

Sa isang ulat, nagpasalamat ang may-ari ng taniman dahil hindi tinangay ng salarin ang buong kalabasa.

Aniya, baka kinapos lang sa pangsahog sa pakbet ang supek. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.