Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan nawalan ng balanse, nahulog mula 6th floor

0 191

Kinalawit ni Kamatayan ang isang lalaki matapos pagnakawan ang isang guest ng hotel sa Baguio City kamakalawa.

Ayon sa ulat, nagising ang hindi tinukoy na hotel guest sa ingay at nakita ang hindi pinangalanang suspek.

Bandang alas-5:00 ng madaling-araw, Hulyo 30, nagmamadali umano ang suspek na tumakas at dumaan sa bintana ng kuwarto ng biktima na nasa ikaanim na palapag ng hotel na matatagpuan sa Kisad Road.

SM food to go Banner Ad

Sa kasamaang-palad ay nawalan umano ng balanse ang lalaki at bumulusok mula 6th floor ng hotel.

Patay na nang datnan ng mga emergency responder ang suspek.

Samantala, naibalik naman sa biktima ang bag na tinangay ng suspek na naglalaman ng pera, cellphone at iba pang gamit. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.