Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan ng bike nag-post pa sa FB, huli

0 227

Arestado ang isang lalaki matapos niyang i-post at ibenta sa Facebook ang umano’y ninakaw niyang mamahaling bisikleta sa Calasiao, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng Calasiao Police ang suspek na si Wilden Punsalan, ng Brgy. Talibaew. Nag-post umano ito sa Facebook account niya ng bisikleta na nagkakahalaga ng P20,000.

Isang undercover agent ang nagkunwaring interesadong bumili ng piyesa ng bisikleta na ipinost ni Punsalan sa social media. Dito, pumayag ang suspek na makipagkita at doon na siya naaresto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa bisikleta, may nakuha rin umano sa suspek na tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Itinanggi ni Punsalan na siya ang nagnakaw ng bisikleta pero inamin niyang siya ang nag-post nito sa social media para ibenta. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.