Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan ng bike timbog din sa shabu

0 173

Kalaboso ang isang lalaki nang mahuli sa aktong nagnanakaw ng bisikleta at nang kapkapan ay nakumpiskahan pa ng isang pakete ng shabu sa Barangay Pag-asa, Obando, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Joel Javier, 24. Nabatid na alas-siyete ng gabi nang madakip ng mga opisyal ng barangay si Javier na tangay ang ninakaw na bisikleta sa kanilang lugar.

Nabatid na madalas nang ireklamo ang suspek dahil sa pagnanakaw at lumilitaw pa umano na front lang nito ang pamamalimos at paghingi ng tulong pero magnanakaw talaga ang pakay nito.

Samantala, 9 pang drug suspect ang nasakote ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa mga siyudad ng Meycauayan, Malolos, San Jose del Monte, at San Miguel at umabot sa kabuuang 33 pakete ng shabu at buy-bust money ang narekober sa nasabing anti-drugs operation. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.