Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan sa Alfamart bumulagta

0 76

Patay ang isang lalaki na nagnakaw sa isang convenience store sa Barangay San Isidro 1, Paombong, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

Ayon kay Col. Charlie Cabradilla, acting Bulacan police director, patuloy nilang kinikilala ang suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad.

Bago ang insidente, nagsumbong ang isang Sherlyn Lagman, store crew ng Alfamart sa naturang barangay, na hinoldap sila ng dalawang armadong suspek.

Rumesponde ang mga pulis at pagdating sa lugar ay nakita pa na patakas ang mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatakas ang isa sa kanila na sakay ng motorsiklo papuntang Hagonoy habang naiwan ang isa pang suspek.

Nakipagbarilan ang suspek sa mga awtoridad nang naipit at saka siya napatay.

Ayon sa report, nag-jam ang hindi pa batid na kalibre ng baril ng suspek kaya’t una siyang tinamaan sa putok ng mga pulis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.