Abante Tonite Interactive

Kawatan tiba-tiba sa guests ng Calamba resort

By
1,197

Nilimas ng mga hindi nakilalang magnanakaw ang mga gamit ng mga guest sa isang private resort sa Calamba City, Laguna, kamakalawa ng umaga.

Batay sa report ng Calamba police, rumenta ng tatlong kuwarto ang 11 magkakaibigang estudyante sa Blue Petal Resort sa Barreto St., Brgy. Bucal, Calamba City.

Suba­lit bandang alas-singko ng madaling-araw, habang mahimbing pang natutulog ang mga biktima dahil sa puyat sa nagdaang gabi, pumasok sa mga kuwarto ang dalawang hindi nakilalang lalaki at kinuha ang mga cellphone at pera ng mga ito na kinabibilangan ng apat na iPhone at P21,000. Nagising pa umano ang isa sa mga guest na si Gervin Gatan, 23-anyos, subalit agad itong tinutukan sa noo ng baril ng isa sa mga suspek kaya wala na itong nagawa.

Mabilis ding tumalilis ang mga suspek matapos makuha ang pakay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakitang forced entry sa pagpasok ng mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.