Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawatan tumiba sa resort

0 33

Nasa P700,000.00 halaga ng mga gadget, alahas at cash money ang natangay ng hindi nakilalang mga magnanakaw na nanloob sa nirentahang kuwarto ng mga guest sa isang diving resort sa Mabini, Batangas Sabado ng hapon.

Sa report ng Mabini police, nangyari ang pagnanakaw sa Casa Bahia resort sa Brgy. Bagalangit ala-1:30 ng hapon.

Iniwan umano ng biktimang sina Xonja Michelle Ramos, Jaber Marie Suarez, Eric Joseph dela Cruz, Rodolfo Romarate II, John Drazen Tanciangco at Maria Teresa Tanciangco ang kanilang mga personal na gamit sa kuwarto at nagtungo sa kanilang diving lesson subalit laking gulat ng mga ito pagbalik sa kuwarto nang makitang bukas na ito at wala na ang kanilang mga gamit.

Kabilang sa natangay ang ilang cellphone, mga laptop, mga alahas, ibat-ibang ATM cards at P52K

na may kabuuang halagang P701,000.00.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalaam sa pamamagitan ng kuha sa CCTV kung sino ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.