Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawhi dinepensa ni Williams

0 406

Itinanggi ni Clippers guard Lou Williams ang ulat nina Jovan Buha at Joe Vardon ng The Athletic na may mga naiirita sa binibigay na special treatment ng team kay Kawhi Leonard.

Sina Montrezl Harrell, Patrick Beverley at Williams umano ang nagmamaktol dahil pinayagan ng Los Angeles management na kontrolin ang minuto ni Leonard.

SM food to go Banner Ad

Sa unang regular season ni Kawhi sa LA, madalas ipinapahinga ang two-time Finals MVP para hindi masagad.

Sa Instagram umaray si Williams.

“Dawg, I don’t even know what bristle mean,” aniya. “Lol @jovanbuha where ya’ll get that from? Out ya source.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.