Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawhi, George kinatay Mavs

0 176

Masaker!

SA wakas, nagpakita na rin sa postseason si Paul George.

Sa panlimang laro, nagbago ang timpla ng ‘Playoff P’ at minasaker ng Los Angeles Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 Martes ng gabi sa Orlando bubble.

Bounce back si George ng 35 points, sumegunda ng 32 points sa 12 of 19 shooting, may 7 rebounds at 4 assists ang partner niyang si Kawhi Leonard at abante na ang Clippers sa first-round series 3-2.

Apat na teammates pa nila ang umayuda ng double digits.

Puwede nang umusad sa next round ang LA sa Game 6 bukas.

Franchise record ng Clippers sa playoffs ang final tally nila na third-most din ng alinmang team sa NBA playoff history.

Bago ang laro nitong Martes, binabaterya na online si George. Dinadaga raw ito sa playoffs, may nagsasabi pang pakawalan na siya at maglaro na lang abroad.

Rumesponde si PG ng 12 of 18 shooting, may 3 rebounds at 2 assists pa sa 25 minutes lang.

Sa Game 2, 4 of 17 sa field si George, sinundan ng 3 of 16 at 3 of 14.

Binulabog nang husto ng Clippers si Dallas superstar Luka Doncic para puwersahin ang ibang Mavs na gumawa ng plays.

Wala pa rin ang co-star na si Kristaps Porzingis (knee), nagkasya sa 6 of 17 shooting si Duncic tungo sa 22 points, may 7 rebounds at 4 assists. Hindi na siya naglaro sa fourth. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.