Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawhi ibibida ang Clippers

0 72

Mula nang sumali sa NBA noong 1970 bilang Buffalo Braves, hindi pa nakakarating sa Western Conference finals ang Los Angeles Clippers.

Pagkatapos ng Game 4 nitong Miyerkoles, abot-tanaw na ng ‘other’ LA team ang WCF.

May tatlong tsansa si Kawhi Leonard para ihatid sila roon, umpisa sa Game 5 ngayon.

Pang-MVP ang performance ni Leonard sa sinalansan na game-high 30 points, 11 rebounds, 9 assists, 4 steals at 2 blocks sa 96-85 win. Walang naisagot ang Nuggets sa kanya.

Hindi na halos naramdaman ng LA ang pigil na laro ni Paul George na maagang pinigil ng foul trouble. May 10 points lang si George sa loob ng 27 minutes. Nag-ambag ng combined 27 points off the bench sina Lou Williams at Montrezl Harrell.

Inangklahan pa ni Kawhi ang depensa ng Clippers, nilimitahan si Jamal Murray sa 6 of 15 shooting tungo sa 18 points. may 26 points si Nuggets big Nikola Jokic pero 11 of 23 sa field.

“We’re finally figuring out once our defense is there, it creates everything for us,” suma ni George. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.