Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawhi inoperahan sa kanang tuhod

0 84

NAGING matagumpay ang operasyon ni Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard nitong Martes (Miyerkoles, Manila time), sa natamo nitong ACL partial tear sa kanang tuhod, anunsiyo ng koponan.

Game 4 ng Western Conference semifinals nang ma-injury si Leonard kontra Utah Jazz kaya hindi nakapaglaro ang All-Star forward sa Western Conference finals laban sa Phoenix Suns.

Hindi naman nagwagi ang Clippers kontra sa Suns, 2-4, sa series.

SM food to go Banner Ad

Sa isang pahayag ng koponan, hindi binanggit kung kailan makakabalik ang two-time NBA champion.

Nitong regular season, may 52 appearances, nakapagtala si Leonard ng 24.8 points, 6.5 rebounds at career-high 5.2 assists per game. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.