Abante Tonite Interactive

Kawhi kumayod sa Toronto

165

Tinanggap muna ni Kawhi Leonard ang ­kanyang ring sa ­Toronto, tapos ay kumayod para tulungan ang Los Angeles Clippers sa panalo laban sa kanyang dating team.

Umiskor si Leonard ng 23 sa unang balik niya sa Toronto, nagdag­dag si Lou Williams ng 18 at kinalos ng ­Clippers ang Raptors 112-92 ­Miyerkoles nang gabi.

Bago ang laro, tinanggap ni Leonard ang championship ring mula 2018-19 nang giyahan ang Toronto laban sa Golden State sa anim na laro para sa unang NBA title ng prangkisa.

Nagsumite ng 19 points sa 11 minutes si Clippers guard Patrick Beverley bago lumabas sa third quarter tapos sumalpok sa balikat ni Marc Gasol habang nagse-set ng screen ang Raptors center.

May 24 points si Pascal Siakam at 22 kay Norman Powell sa Toronto. Kumana ng 6 points si Kyle Lowry sa first quarter pero hindi na umiskor muli, bokya sa final 6 attempts at 0 for 7 sa 3s.

Tapos ng pregame video, pabilog na nagtipon sa gitna ng court ang dating teammates ni Leonard kasama ang coaches at team executives. (VE)