Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawhi, Murray papasiklab uli

0 53

Malakas sa papel ang Clippers, pero hindi nila nailabas sa first round ng West playoffs.

Kinailangan pa ng Los Angeles ng anim na laro bago dispatsahin ang Dallas na halos buong series ay sumandal lang kay Luka Doncic dahil pinigil ng injury ang partner niyang si Kristaps Porzingis.

Maangas ang mga numero ni reigning Finals MVP Kawhi Leonard sa first round, pero lulubog-lilitaw ang tandem niyang si Paul George.

Sa second round mamaya, mapapalaban ang Clippers sa Denver Nuggets – ang boy wonders ng playoffs sa Orlando bubble. Inahon ni Jamal Murray ang Nuggets mula sa 3-1 deficit para sipain ang Utah Jazz nitong Martes via cliffhanger 80-78 victory. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.