Abante Tonite Interactive

Kawhi, Nick natuto na sa Game 5 loss

521

Limang minuto pa sa Game 5 ng NBA Finals, nanganganib nang mapakawalan ng Golden State Warriors ang title.

Dahil kay Kawhi Leonard, umariba ang Toronto Raptors.

Napigil sa first three quarters, humarabas si Leonard para bugbugin ang Warriors.

Pull-up 3 at inagaw ng Raptors ang lead 96-95. Sumagot ng step-back 3 si Stephen Curry sa kabila pero mintis. Sa kabila, sumagasa sa rim si Leo-nard para umiskor.

Isa pang 3-pointer at pull-up midrange jumper ni Leonard, lumayo ang Toronto 103-97, 3:28 na lang.

Makalipas ang 23 se-conds, tumawag ng timeout si Raptors coach Nick Nurse. Hindi isa, kundi dalawa.

Hawak ng Raptors ang bola pagkatapos ng mintis ng Warriors, naghihiyawan na ang fans, abot-kamay ang kampeonato. Humingi ng ceasefire si Nurse.

Ayon sa coach, ginamit niya ang natitirang timeout para makapaghabol ng hininga ang kanyang players.

Pero nakarekober din ang Warriors sa extra rest.

Sablay ang sumunod na tira ni Leonard, at nag-lunsad ng matinding comeback ang Warriors sa nakakangi-long 3-point shooting nina Klay Thompson at Curry hanggang maagaw ang manibela 106-105.

Huling tsansa ng Toronto, binaba ni Leonard ang bola pero kinahon ng defenders ng Golden State. Napunta kay Kyle Lowry ang last possession, bumitaw sa sulok pero inabot ng dulo ng daliri ni Draymond Green sa buzzer.

Dinikit ng Warriors ang series 3-2, Game 6 bukas sa Oakland.
Natanong si Leonard sa timeouts ni Nurse.

“If we would have won the game, we wouldn’t be talking about it,” sagot niya. (VE)