Abante Tonite Interactive

Kawhi pinalupasay ang Utah

0 132

Bago hinarap ang Utah Jazz, ikinumpara ni Los Angeles Clippers coach Doc Rivers ang kanyang superstar na si Kawhi Leonard kina greats Michael Jordan at Allen Iverson.

“Kawhi’s body type is more similar to Michael Jordan’s than anyone in the league, and Kawhi has the toughness of Allen Iverson,” litanya ni Rivers.

Pagdating ng laro, naiwan ng double digits sa second half ang Clippers bago nagising sa fourth si Leonard para agawan ng panalo ang Jazz 105-94 Linggo ng gabi.

Nilista ni Leonard ang 18 sa kanyang 30 points sa final period. Siyam lang ang naipasok sa 26 na tira, pero nang magbuhol ang iskor sa 86 ay kumana ng six points si Kawhi para sindihan ang 19-8 run tungo sa panalo.

Nagdagdag si Montrezl Harrell ng 19 points, may 17 pa si Lou Williams sa LA.

Pinamunuan ng 36 points ni Donovan Mitchell ang Utah, may 19 si Bojan Bogdanovic.

Naiwan ng walo sa opening frame ang Clippers pero binuksan ang second sa 20-4 blitz at sa 3 ni Landry Shamet ay nasa unahan na 36-24 kulang 5 minutes pa. Sumagot ang Jazz ng 17-3 run tungo sa 41-39 lead sa basket ni Mitchell papasok ng break.

One of nine lang si Leonard sa first half at may five points. (VE)